Antipolo City: Pinto Art Museum

 It was lunch when my cousin decided to go at Antipolo City. I’ve always wanted to visit Pinto Art Museum, but my parent’s were so busy so we can’t go there. I’ve seen a lot of articles and pictures about Antipolo City and tourist destinations in facebook, and one of them is this Pinto Art Museum. Pinto Art Museum is a wide collection of art.

Processed with VSCO with a3 preset

28951904_1999797520285904_9032280768532971520_n

28685497_1999797503619239_648128058368196608_n

But even if there’s no air conditioner, the place was so windy so it’s refreshing even if the sun are in. When we went there, it was high noon which made the walls and structures of the area stand out even more.

29027366_1999797530285903_6017965526406397952_n

I also love the man made pond, it’s so hot that time I want to take a dip in this area, but I don’t know who gets to swim here given that changing of clothes is not allowed.

 28959187_1999797470285909_2570447921321345024_n

 

They also have a wide collection of artworks and its interesting how each is arranged throughout the place.

28872613_1999797263619263_803627877600854016_n

28958533_1999797276952595_9217279050219782144_n (1)

29027694_1999797270285929_2576981777759338496_n

28685750_1999797250285931_8046182283398348800_n

Pinto Art Museum are open Tuesday through Sunday, from 09:00 am to 06:00 pm. For inquiries regarding prenuptial shoots and other events, please call 697 1015 and look for Mrs. Jenny Villanueva.

Ticket prices are:
PHP 200 for regular ticket
PHP 180 for senior citizens and PWD with valid IDs
PHP 100 for children and students with proper school IDs

Advertisements

Passionate love turned into a bloody crime

cbf15cab0c1a652ad4c158671968aef7
Bridgei2i

Buwan ng Marso taong 2016. Isang mabigat na desisyon ang ginawa ng 37 taong gulang na si Sarah Mae Cabatingan. Nagtungo sya sa Dubai upang makipagsapalaran sa buhay at magtrabaho ng Domestic Helper. Dahil sa hirap ng buhay ay walang permanenteng trabaho ang asawa ni Sarah, kaya naman napili niyang siya nalang ang aalis at maghahanap ng trabaho. Maswerte si Sarah sa kanyang naging amo, kaya masaya siyang nakarating doon. Ang facebook ang kanyang naging libangan habang malayo sa pamilya at sa tuwing siya ay nalulungkot. Lalo pa siyang tumatag ng makilala ang isang lalaki sa facebook. Marami itong pinopost na mga litrato na kasama iyong lalaki na kanyang ini-edit kapag wala syang ginagawa. Makikita mo talagang masaya si Sarah at blooming na blooming dahil sa kachat.

Buwan rin ng Marso, isang post ang kumumpirma ng kasayahan ni Sarah sa estado ng kanyang buhay pag-ibig. Nakita iyong ng kapatid ni Sarah sa pilipinas at agad siyang tinawagan nito, “Ate, may boyfriend na po ako, nakilala ko siya sa social media, inaaya na po niya akong magpakasal kapag uwi ko riyan sa pilipinas”. Pinayuhan naman siya ng kanyang ate na hindi basta basta magtiwala dahil maraming manloloko na nagkalat na sa socila media. Pero kinontra iyon ni Sarah at sinabing mabait ang lalaki at mahal siya nito.
Duon sa group na Angel’s Heart Advice nagkakilala ang dalawa. Naging aktibo doon si Sarah at panay ang upload ng kanyang mga litrato, at doon din siya nakita ni Xander. Batay sa personal message ng dalawa ay marami raw ari-arian si Xander at nagpapadala pa nga ito ng mga litrato ng mga gamit sa kanyang ipinapagawang dream house.
Tutol ang pamilya ni Sarah sa relasyon nila, hindi nila gusto si Xander kaya naman pagkalipas ng ilang buwan ay hindi na nagkukwento si Sarah sakanila ng tungkol sa lalaki. Ayaw din kasi ni Sarah na may tutol sa relasyon nila. Ang anak naman ni Sarah na panganay ay natuklasan na may mabigat na karamdaman. May sakit ito sa bituka, nahihirapan itong dumumi, inaabot muna ng 15-20 araw bago makapagbawas ng dumi ang bata. Kaya naman ninais na ni Sarah na umuwi dahil hindi pupwedeng patagalin pa ang sakit ng kanyang anak sapagkat pwede itong ikamatay ng bata.
Sa alok na tulong ni Xander ay lalong nabuhayan si Sarah at lalong kumapit sa karelasyon. Nito ngang May 4,2017 ay umuwi ng pilipinas si Sarah, pero imbes na sa Davao ay sa Daet, Camarines Norte ito dumiretso kung saan ito ay nakipagkita kay Xander. At ika-anim ng taon na iyon, (May 6, 2017) naalerto ang Daet, Camarines Norte Municipal Police, nuon kasi ay isang krimen ang naitala sa isang hotel sa baranggay ng Bagaspas. Pagdating nila duon ay nakita nga nilang may bangkay sa loob ng kwarto sa isang hotel. Maalinsangan na ang amoy nito, dahil ito ay maghapon o magdamag ng patay. Dahil ito ay may amoy na ay hindi na muna nila ginalaw ang bangkay, sinuri na muna nila ang pangyayari at napagdesisyonang tumawag sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang humingi ng tulong.
May isang pouch silang nakita na may lamang cell phone at isang wallet na walang laman. Matapos maiproseso ang crime scene ay ipinadala muna nila sa morge ang bangkay habang wala pang pagkakakilanlan ito. Samantala, agad namang kinausap ng Daet Police ang mga staff ng naturang hotel para kumalap ng mga impormasyon.
Ayon sa staff na nakatoka sa araw na iyon ay bandang alas syete ng umaga nito lamang ika-lima ng mayo. (May 6, 2017). Mayroong babae’t lalaki ang nagpunta duon sa hotel at nagtatanong kung may natira pang kwarto, sinabihan niyang mayroon pang kwarto dito sa ibaba ngunit umayaw ang babae at nagtanong kung mayroon pa bang ibang kwarto. Sinabi ng staff na may roon pang kwarto sa itaas, duon sa ikalawang palapag ng hotel, sa Room 7. Kinabukasan, mga alas-nwebe (9) ng umaga, nagpaalam ang lalaki sa cashier ng hotel na sya ay lalabas at bibili lang ng pagkain, at sinabing sya ay babalik at babalikan iyong kasama niya. Kinabukasan na ulit, duty nanaman ng naturang cashier, tapos na ang oras ng mga nasa Room 7. Kaya naman pinaakyat niya na ito sa asawa niya upang sabihan ang costumer na naroon. Naglalakad palang sa hallway papunta duon sa kwarto ang asawa nya ng may maamoy na malansa. Pagbukas ng pinto sa kwarto ay laking gulat nalang nito sa tumambad sakanya. Isa ngang bangkay ng babae, naligo na ito sa natutuyong sariling dugo at sobrang baho na ng amoy.
Agad ding sinuri ng mga autoridad ang narecover na cellphone sa crime scene. At iyon ang naging susi para makilala iyong biktima. May mga litarto nung babae at ng lalaki duon at isang picture ng bata, napagtanto ng mga police na pwedeng iyon ay anak nuong babae. May mga list duon ng mga kaibigan ng babae at lahat iyon ay pinadalhan nila ng mensahe, at tinanong kung kilala o alam iyong pangalan ng bata. Kinumpirma naman ng mga ito ang bata at duon na nalaman ng mga police ang pangalan ng biktima. Sa tulong na rin ng Lokal na Pamahalaan ng Camarines Norte, naipadala ang bangkay ang bangkay ni Sarah Mae sa lalawigan ng Davao. Nadurog ang puso ng mga kaanak ni Sarah ng makita nila ang bangkay nito. Walang tigil na iyak at hinagpis ang nararamdaman ng mga ito. Mabuti nalang raw sana kung sinaktan nalang ito at hindi na pinatay pa dahil mahirap talagang mawalan ng mahal sa buhay. Ang una namang pumasok sa isip ng pamilya ni Sarah ay si Xander Martinez.
Samantala, ayon sa autopsy ni Dr. Jose U. Magana ng Daet, Camarines Norte Municipal Health Office, hemorrhagic shock na dulot ng tinamong pitong saksak sa dibdib at isa pa sa leeg ang kinamatay ni Sarah. Base sa mga impormasyong natanggap ng mga police, ang tunay na pangalan ni Xander ay, Cesar Sullivan Jr. 48 taong gulang at ito ay isang security guard, at residente sa baranggay taba taba basud, Camarines Norte. Nagawa pang makunan ng litrato at ilang bidyo ni Sarah Mae ang mga kaganapan nuong namasyal sila ng kasintahan, dalawang oras bago siya mapaslang. Kitang kita dito ang pagmamahal ni Sarah Mae dahil sa mga sweet na pose ng dalawa. Nahuli naman kaagad si Xander ng mga police at sinabing “hindi ko po intensyong mapatay ang mahal ko, wala akong dugong kriminal!”. Ayon pa sakanya, hindi raw niya nagalaw ang biktima dahil hindi naman daw sex ang habol niya rito. Nagkaroon lang daw sila ng isang maliit na pagtatalo. Noong naroon sila sa hotel, natuklasan ni Sarah na may pamilya na pala itong si Xander. Nagpapahatid raw noon si Sarah sa davao, ang alam raw kasi ni Xander ay limitado lang ang dalang pera ni Sarah kaya naman duon niya na naamin na may asawa’t anak siya at hindi siya pwedeng sumama rito. Ayon pa kay Xander, nagulat nalang daw siya na kumuha si Sarah ng isang improvise na kutsilyo sa dala nitong pouch at tinangka daw ni Sarah na saksakin siya sa leeg, pati sa may bandang balikat. Kaya naman buong lakas niyang inagaw ang kutsilyo at naisaksak ng paulit ulit sa dibdib ni Sarah. At dahil nga sa mga ebidensya at salaysay ng mga tistigo ay sinampahan si Xander ng kaso ng mga autoridad. Murder ang sinampang kaso dahil nga sa napakadaming tama ni Sarah. Gayon man, nang dinggin ang kaso sa Daet Regional Trial Court, Branch 40 noong Agosto 1, 2017, mula kasong murder ay naibaba ito sa kasong homicide. Sinentensyahan naman ng 10-14 taon ng pagkakabilanggo si Cesar Sullivan Jr. Pinagbabayad din siya ng halagang 160,000 pesos sa naiwang pamilya ni Sarah Mae. Hanggang ngayon ay naghihinagpis parin sa lungkot ang pamilya ni Sarah. Masakit para sa mga naiwang pamilya ni Sarah, lalo na sa anak nito na wala na siya. Hindi pa rin magawang patawarin ng pamilya ni Sarah itong si Xander ngayon. Si Xander naman ay kasalukuyang nakakulong at pinagbabayaran ang nagawang kasalanan.

Bulaklak na Araw

efe05feb52b0cc11699cfd7502be815f
Pinterest

“KRINGGGGGGGG!! KRRRRRIIIINNNNGGG!” Ito ang hinihintay niyang marinig sa umaga bago bumangon. “goodmorning mahal. Bumangon kana jan at kumain na, wag ka magpapalipas okay? Love you mwaa!” Dumiretso sya sa banyo. Isa nanamang normal na araw sabi niya sa isip isip niya. Namumugto pa ang mata nito dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Pero kahit ganon pa man ay hindi pa rin nabawasan ang kagandahang lalaki nito. Sino ba naming hindi mabibighani sa lalaking ito? Kahit simple lang ang suotin ay paniguradong babalikan mo parin ng tingin kapag iyong nakasalubong. Pinagmamasdan niya ang sarili sa harap ng salamin. Maganda ang ayos ng kanyang buhok at plantsadong planstsado ang kanyang suot na polo. Halata mong ito’y nanggaling sa mayaman na pamilya dahil sa kutis nitong malaporselana. Idagdag pa natin ang kanyang makakapal na kilay. At ang kanyang mga sapatos na kumikintab dahil sa linis. “Goodmorning mama” bati niya kay Manang Linda. Ito na ang tinuturing niyang ama’t ina. Ang mga magulang niya kasi ay minsan niya lang makasama dahil ito ay busy sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo sa ibang bansa. Si Manang Linda lang ang kanyang kasama sa bahay simula pa nung bata siya. Kaya nasanay na rin ito na natawang mama ang matanda. “Goodmorning baby ko” bati rin ng matanda sabay pisil sa pisngi ng lalaki. “Mama ano baaa! Hindi na nga sabi ako baby diba? Malaki na ako at kaya na nga kitang bigyan ng apo eh.” Pag iinarte nito sabay tawa. Nagsalubong naman ang kilay ng matanda at binatukan siya. “Apo agad? Wala ka pa ngang pinapakilala sakin, apo agad ang ibibigay mo? Aba! Hindi ako papayag na kung sino sino na lang ang iyong dalhin dito ah. Hindi maganda yan anak, humanap ka ng disenteng babae.” Litanya sakanya ng matanda. “Si mama naman hindi mabiro. Mayroon na akong pinakilala sainyo diba? Siya na ang papakasalan ko at kasama bumuo ng pamilya. Dadami na tayo dito sa bahay mama.” Sabay tawa nanaman. “Osige umupo kana dun at ipaghahanda na kita ng almusal.” Utos sakanya ng matanda. Wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang Jasmine. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal. Kinakausap niya na ngayon ang kanyang sarili habang hinihintay ang matanda. Naaalala nanaman niya ang kanyang minamahal. Mula sa mahahaba at itim nitong buhok na abot sa kanyang balakang. Ang maamong mukha nito na aakalain mong anghel sa unang tingin. Ang mala-gatas nitong kutis. Naalala niya ang mga labi nito na kay sarap hagkan. At mga pisnging kay sarap ring kurutin. Nangungulila siya sa mga haplos nito at sa amoy nito na nanunuot sa kanyang ilong. “Bumalik kana sakin..” marahang bulong niya sa kanyang sarili. “Anak ayos ka lang ba?” Bumalik siya sa reyalidad. Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kanyang mga luha. “Ayos lang ma. May naalala lang ako. Kumain na po tayo sumabay na kayo saakin.” Pag aya niya sa matanda.

Nasa sasakyan siya at pauwi na galling opisina nang mapagdesisyunan nyang dumaan sa flower shop. Maaga pa naman kay marahil ay bukas pa iyon. Dito sila palagi bumibili nuon. Agad na hinanap ng mata niya ang bulaklak na araw. Ito palagi ang hinahanap niya at binili rito.  Pagkita niya rito ay inamoy ito at binayaran na sa counter. Ngayon na lang ulit ako makakapunta rito. Pakiramdam ko ay kasama parin kita. Na nasa tabi lang kita. Nararamdaman ko ang mga yakap mo.. Dala ko ang paborito mo tiyak kong matutuwa ka nanaman rito. Kinwento ko ang mga nangyari saakin ngagyong araw at umuwi na. Maghahating gabi na pala. Hindi ko na napansin ang oras. Tiyak na tulog na si mama. Diretso ako sa kama at agad na nakatulog dahil narin siguro sa pagod.

Kinabukasan ay ginising nanaman ako ng magandang boses ng aking mahal. “goodmorning mahal. Bumangon kana jan at kumain na, wag ka magpapalipas okay? Love you mwaa!” Napaka sarap talagang gumising kapag ito ang maririnig mo sa umaga. Wala pa rin siyang pinagbago.. Napaka sweet pa din at nagpapasalamat pa rin ako sa panginoon na nakilala ko siya. Maghihintay ako kung kailan siya babalik at sisiguraduhin ko na sa mga oras na iyon ay hindi ko na siya hahayaang masaktan. “Miss na miss na kita mahal. Bumalik kana saakin at tayo’y magsasayaw pa. Habang hawak mo ang paborito mong dilaw na bulaklak. Nais ko ng makita ang iyong mga ngiti. Mahal parang awa mo na bumalik kana.” Naligo na ako at duon binuhos ang luha na kanina pa gustong lumabas sa aking mga mata.Pagkatapos ay, bumaba na ako sa kusina para hanapin si mama. Pero wala siya rito. Tumungo ako sa garahe at garden ngunit ni anino niya eh hindi ko nakita. “Asan na kaya si mama?” Tanong ko sa sarili ko. Sakto naman na may nagbubukas ng gate. Marahil ay si mama na iyon. Linggo ng apala ngayon, baka nagsimba si mama. Pero laking gulat ko ng makita kung sino iyon. “MAHAL! JASMINE MAHAL KO!” Sigaw ko. Dali dali akong tumakbo para yakapin siya. Bumagsak nanaman ang mga luha ko. Ngunit hindi na dahil sa pangungulila kundi dahil sa tuwa dahil bumalik na siya. Bumalik na ang mahal ko. Panginoon maraming Salamat. Narating ko ang gate at niyakap na nga siya. Ngunit nagpupumiglas siya. “Jasmine mahal ko nagbalik ka. Sabi ko na ng aba at hindi ka patay. Sabi ko na nga ba babalik ka. Tama ako na babangon ka roon at babalik ka. Tama ako mahal, binalikan mo ako at buhay ka pa. Mahal na mahal kita wag mon a kong iiwan pang muli.” Pagsusumamo ko sakanya habang nakayakap. Pero isang malakas na sampal ang inabot ko. Sa gulat ko ay napaatras ako. Nakita ko si mama na naluluha habang hawak ang kanang kamay na sumampal saakin. Naguguluhan ako. Asan si jasmine? Asan ang mahal ko? Bakit si mama ang nasa harap ko? At bakit sinampal niya ako? “Anak patawad. Bean making ka saakin.” Hindi ko na alam ang nangyayari at gagawin ko. Gulong gulo at litong lito na ako. “JASMINE?! ASAN KA JASMINE? LUMABAS KA DYAN! WAG MO NA AKONG TAGUAN MAHAL KO.” “MAMA ASAN SI JASMINE? MAMA ILABAS NIYO SIYA!” Sigaw ko. Mahal ko asan kana? “ Bean patay na si Jasmine! Hindi ako si Jasmine! Hindi na siya babalik, anak.” Ano bang pinagsasabi ni mama? Kayakap ko pa nga kanina si Jasmine eh at nakita ng dalawang mata ko na siya ang nagbukas ng gate. “MAMA ILABAS MO NA SIYA, ANO BA YANG PINAGSASABI MO?!” sigaw ko kay mama. Baka tinatago niya si Jasmine. “Bean pakinggan mo si mama okay? Patay na si Jasmine. Galing ako ngayon sa puntod niya, anak. Dinalaw ko siya at dinalhan ng bulaklak na araw. Limang taon na ang nakakaraan ng mabangga siya ng kotse. Habang bumibili ka ng paborito niyang bulaklak na araw, diba ano ba iyon, sun flower iyon anak diba? Iniwan mo siya saglit sa kotse pero di mo alam na sinundan ka niya anak.. Mabilis ang takbo noong isang kotse at nabangga siya. Anak patay na si Jasmine. Palayain mo na siya.” Para akong binaril sa sintido sa mga sinabi ni mama. Jasmine asan kana? Magpakita ka mahal. Wala akong ibang magawa kundi mapasabunot sa buhok ko at mapasigaw. “MAMAAAAAA!!! AAAAAHHHHHHH!! MAHAL KONG JASMINE PATAWAD! PATAWARIN MO AKO. MAHAL KUNG HINDI KITA INIWAN SA LOOB NG KOTSE HINDI MANGYAYARI YUN. MAHAL ISAMA MO NA AKO. PANGINOON KUNIN MO NA RIN AKO!” Sigaw ko. Bakit ganito kasakit? Sana mamatay na lang din ako.. Sana ako nalang yung nasagasaan at hindi siya. Niyakap lang ako ni mama habang umiiyak. Tama siya. Wala na si Jasmine. Patay na si Jasmine. Pinatay ko siya. Pinatay ko ang mahal ko. Kasalanan ko kung bakit siya namatay. Kasalanan ko..

‘KRIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNGGGG!! KRIIIINNNGGGGGGGG!” “goodmorning mahal. Bumangon kana jan at kumain na, wag ka magpapalipas okay? Love you mwaa!” kinuha ko ang cellphone at binura ang aking ringtone. Lalo lang ako nalulungkot sa twing maririnig ko ito. Isang lingo na ang nakakaraan. Hindi na ako nakakapasok sa opisina. Lugmok na lugmok ako. Hanggan ngayon di pa rin ako maka move on sa nangyari sa mahal ko. Pero naisip ko na baka hindi na siya natutuwa sa ikinikilos ko.. Kaya bumangon ako at agad na naligo. Dadalawin ko ang mahal ko. Gaya ng nakagawian ay bumili muna ako ng bulaklak na araw sa flower shop. “goodmorning sir. 100 pesos po sir for sunflower.” Inabot ko ang bayad ko. “thankyou sir” Dumiretso na ako sa kotse at tumungo sa puntod ni Jasmine. Sa pamamagitan ng hangin ay nararamdaman ko ang mga yakap niya.. Kontento na ako dito. Mahal ko pinapalaya na kita. Mag iingat ka. Mahal na mahal kita Jasmine. Bulong ko sa hangin..

Childhood Memories

2
Pinterest

 

My name is Erica Mayordomo, my name came from a kdrama teleserye that my mom used to watch back then. She said that she very like that character named Erica on the kdrama teleserye because of her attitude. A very kind and loving woman.  I am 16 years old going 17 this march. In my 16 years of existence, I think last year (2017) was the tough one of all the years. It test me more than I could remember. It gives me so much heart aches, and also some realizations in life. It made me realize not to trust so easily. Not to fall in love too fast.. I have black hair, skinny girl. I live in Novaliches Quezon City with my parents. I like watching kdrama’s and waste my time on internet. I love sleeping but I do not have enough sleep. I really love dogs.

 

I hope I can turn back time.. Back when I was a child, only candy’s and lollipops can make me cry. Unlike now, even my thoughts can make me cry, can kill me.. I miss how we laugh so hard because my classmate had a poop on his pants. I miss my childhood friends, and memories.. When I was in kindergarten, I used to have a best buddy ever. She’s my best friend, my only friend in school. Were not siblings by blood but we are siblings by heart. Every time I got bullied by our classmates, she’s the one who’s always there to fight for me. She always got my back. She’s always there for me when all I can do is to cry because our classmate take my lunch!! She will slice her bread just to make sure I will eat lunch and not getting hungry. But when we graduated on kindergarten, we do not see each other anymore. Since then, we didn’t see nor talk each other.

 

In my elementary days, I have already a lot of friends, and puppy love. During our break time before we eat our food, we used to play piko, patentero and chinese garter first. Then after we ate, we will play paper games like SOS. And get ready for the next subject. And when the bell rings, it’s time to go home. So we will wait for the next day to come so that we can play and talk each other again all day. In elementary, when I am a grade six (6) student, I have to very close friend. They have a same name, both Joyce. But they have a different personalities. The one Joyce is very talkative and cheerful, she talks a lot and enjoy having conversation with me. And the next Joyce is the one who is very shy on our squad. She likes to sit and read books all the time, but sometimes she used to play with us, nonstop. When the summer is near, it makes us sad because we don’t know if our parents will enroll us to the same school. We don’t know if we can bond us again, and talk all day about our selves. But luckily, we attend same school when we are High school students. That was the time when I realized that by time, people change. Were at the same school but different classrooms. It means that we will have a different squad anymore.

This made my heart ache because until we reached grade ten (10) level, we didn’t bond like we did when we are in elementary. They change, but I guess not for the better. The Joyce that I used to know for being shy and likes to read books, that Joyce is gone. The new Joyce was like to drink beer and cut her class with her friends. She used to smoke. I do not know her anymore because of her acts. Our timid friend was totally gone. And the other Joyce who is talkative and cheerful are still the same.. but not with me anymore. She found new friends and neglected me. It’s such a pain to see your friends evolving.

But last year is the most memorable year of my life. It teach me new things. I remember when we had a performance task in our P.E subject. We have a cheer dance competition in our school. We’re very happy that we ranked 2nd place on it. All of our hard works and effort, our teacher appreciate it so much. Last year was very tough.. Lord gave so many problems like family problems, school problems and also misunderstanding between me and my friends and last year lord test me.. One year ago, one boy message me on facebook. I check his profile before I sent a reply, we do have mutual friends. And one of our mutual friends is also my best friend. He’s so friendly, kind and sweet person I’ve known. We keep chatting for months, until one day he said that he’s falling in love with me. At first I don’t mind it, I keep in  ignoring it. But lately, I think I feel the same towards him. We had a relationship, but it last only for months. Insane right ?? When we broke up, it made me questioned myself worth. It made me feel like I’m dying because of so much pain. Am I overreacting? Yes. But that’s what I really felt. It cause so much pain in my chest. I really do love him. But he ended our relationship in just one snap. I gave him all of me. My time, effort and my trust. Maybe it wasn’t enough for him so he left me. But now, now that I’ve already move on. Thank you for making me question myself- worth.. I am working on it now. I don’t love him anymore. I will love myself more this time more than I will love somebody else. I realized that yourself is more important than others because the one that you see when you look at the mirror and the one who’s going to pick you up when you fall, the one who’ll give you a pumped up feeling when you are afraid of doing something, the one who’ll understand your complexity, the one who knows what to do whenever you feel anxious, the one who’ll never judge you but instead will love you whatever you do.  That’s you, only you. So learn to let go on things that keeps on hurting you and start learning to love yourself more.

 

And now, I am a Senior High School student, grade 11 at International Christian School. It’s nice to have new friends and classmates. Even though we always have so many work to do, we still manage our time to have a quality time with my friends. I am grateful that I enrolled here at this kind of school because I met this type of friends.

Unang Agos (November 13, 2012.)

pad-yellow
www.betty.me

Isang maalinsangang hapon noon at kami ay namamahinga lang habang nanunuod ng telebisyon dahil yung araw na iyon ay laban ni Pacquiao at Marquez, tutuk na tutok sila kuya dito at ako naman ay nakatutok sa electric fan. Bata pa ako noon nasa ika-limang baitang pa lamang ng elementarya ng datnan ako ng regla. Pakiramdam kong basa ang aking panty. Hindi ako mapakali kaya pumunta na akong cr, inakala ko pa nga na ako’y naihi ba rito. Pero mali, nanlaki ang aking mata at napuno ng takot ang aking katawan ng makita ko ang umaagos na dugo galing sa aking pagkababae. Madami ito at malakas, purong dugo ang nakikita ko. At sumasakit rin ang aking puson.

Gusto kong maiyak ng mga panahon na iyan. Iniisip ko na kung bakit o paano ako nasugatan banda duon dahil wala naman akong ginagawa rito. Inakala kong sugat lamang ito. Tumakbo ako palabas ng cr at ang nadatnan ko lang sa aming sala ay si kuya. Kaya wala na akong choice kahit nahihiya eh sinabi ko sakanya na mayroong dugo sa aking panty. Siya naman ang nataranta at tumakbo papunta sa kwarto. Nakalimutan kong andun pala si mama, sana duon nalang ako dumiretso.. Natatarantang ginising ni kuya si mama para sabihin nga na may dugo sa salawal ko.

Natatawa si mama nung gumising dahil mas mukhang si kuya pa raw ang dinatnan at hindi ako dahil sa kinikilos nito. Kumuha si mama ng napkin sa cabinet at binigay saakin, “Magpalit ka na sa cr, may regla ka na.” Tandang tanda ko pa ang unang napkin na nagamit ko… “MODESS!”. Hindi ako komportable nuon na may suot na napkin dahil nga ang kapal nito. Hindi ko pa nga malagay ng maayos ito dahil pers taym ko lang gumamit kaya naman palagi akong natatagusan sa aking shorts. Wala akong ginawa ng hapon nayun kundi humiga at matulog, nananakit ang mga balakang ko at puson.

Pinangalandakan ni mama sa aking mga titan a nagkaroon na nga ako ng regla, habang ako naman ay hiyang hiya rito. Parang proud na proud nuon si mama saakin dahil lang sa regla ko at parang tuwang tuwa siya. Nalaman na rin ng mga pinsan kong lalaki at inaasar pa nga ako ng kesyo malansa raw ang amoy ko kahit hindi naman. Ang mga pinsan ko naming babae ay natutuwa rin dahil pare-pareho na raw kaming may regla. Ewan ko ba pero ako hindi natutuwa.. Ang dami kasing ipinagbabawal nuon ni mama. Pinagbawalan akong magtalon-talon at maglaro ng chinese garter sa labas at bawal din kumain ng maaasim kagaya ng manga at santol. Dahil raw sasakit lalo ang puson ko at hihinto ang padaloy ng dugo. Kaya kahit gusting gusto ko na bumili ng tigtitres na mangga sa labas sa may tindahan ay hindi ako makabili at makakain dahil papagalitan ako ni mama. At sinabihan rin ako ni mama na labhan ko raw ang panty ko na may unang dugo at ipahid sa mukha.. para raw hindi ako tadtarin ng tigyawat. Nakakadiri pero ginawa ko parin.

Nahihiya naman akong malaman ng mga kaklase ko nuon na nagkaroon na ako ng regla kasi baka asarin rin nila ako. Kasi nga konti palang din saamin ang mga nagkaroon. Ang tagal pang matapos ng regla ko nuon umaabot ng isang lingo. Nang naghigh school na ako, mga nasa ika-apat na baitang nan g high school ay duon pa lamang nag 4-5 na araw ang tagal ng regla ko. At sabi nila kapag niregla ka raw duon na magsisimula ang puberty stage. Sa ngayon, gusto ko ng magpabugbog sa puberty!!!! Hindi ko manlang naramdaman nuon na nagbabago ang katawan ko. Mga kaklase ko antatangakad na at malulusog na ang dibdib. Pero heto ako, napagkakamalan paring grade 7..Wala share ko lang naman.. Balik tayo sa regla ko. Sobrang tagal kong nagdudusa sa sakit ng puson at pagpapalit palit ng napkin pero worth it naman kasi natatanggal ang mga maruruming dugo ko sa katawan. Hanggang ngayon kapag dinadatnan ako ng dalaw, ginagawa ko parin ang mga sinabi ni mama.

Natatawa na lang ako habang binabalikan ang aking pers taym..